Ang sector ng agrikultura ng ating bansa ay nakakaranas ng maraming suliranin dahil na rin sa maling pamamalakad at di-sapat na programa ng ating gobyerno. Ang sektor ng agrikultura ay may malaking gampanin sa ating economiya dahil ito ang pinanggagalingan ng hilaw na materyales na ginagamit ng ating industriya upang maging yaring produkto at ginagamit rin ito sa iba't-ibang uri ng serbisyo.
Kakulangan ng sapat na imprastruktura at puhunan ay isa sa anim na suliraning kinakaharap ng sektor ng agrikultura. Maraming produkto ang nasisira at nalalanta dahil sa kakulangan ng imbakan o storage at kawalan ng transportasyon. Hirap rin ang mga magsasakang paunlarin ang kanilang produksiyon dahil kulang ang kanilang puhunan para ipambili ng mga kinakailangang makinarya sa produksyon. Kaya naman unti-unting bumababa ang production rate ng ating bansa. Masosolusyonan lamang ito kung magbibigay ng subsidy o maliit na puhunan sa mga magsasaka upang magkaroon sila ng sapat na puhunan sa pagsasaka.
Isa rin sa masasabing pinakamalaking suliranin ay ang pagdagsa ng dayuhang produkto o imported goods. Globalisasyon ang naging susi upang dumami ang dayuhang produkto sa ating bansa. Isa ito sa suliraning mahirap masolusyonan dahil na sa dugo na natin ang pagkahalig sa mga produktong gawa ng mga dayuhan. Ang suliraning ito ay nagdudulot kang kompetensya sa pagitan ng local na produkto at dayuhang produkto. Ang natatanging solusyon dito ay ang paghihigpit sa mga dayuhang produkto na pumasok sa bansa.
Kakulangan na ata sa teknolohiya ang dahilan kung bakit huling-huli na ang kalidad ng ating mga produkto kaysa sa ibang mga bansa. Ito na rin siguro ang dahilan kung hindi natin kayang makipag-kompetensya sa ibang bansa sa larangan ng agrikultura. "Sapat ang ating suplay kalidad lang ang sablay" sabi ko. Kaya natin makipagsabayan sa ibang mga bansa sa larangan ng agrikultura dahil nabiyayaan tayo ng masaganang likas na yaman lalo na ang ating kalupaan. Tanging makabagong teknolohiya lang ang kulang sa ating agrikultura. Pagbibigay ng tamang edukasyon sa paggamit ng teknolihiya ang pwedeng gawin ng ating gobyerno dahil di sapat ang pondong nakalaan para sa mga ito.
Tanging magagawa ng ating gobyerno ay paigtingngin ang mga programa ukol sa pagpapalago ng ating ekonomiya lalong-lalo na sektor ng agrikultura.